Nalulungkot ako. Naiinis. I feel so down. I feels so negative. Ano pa? My emotional distress is draining me! :(
Nalulungkot ako. Naiinis. I feel so down. I feels so negative. Ano pa? My emotional distress is draining me! :(
12:55am
Hindi na ako makatulog after ko maalimpungatan.
Ang bigat-bigat na naman ng nararamdaman ko. Isang bagay lang ang naiisip ko ngayong gabi.
Pressure.
Pressure lang naman sa pamilya ko. Ito na naman yung topic na paulit-ulit na hindi mamatay-matay na issue sa bahay. Bukod sa pera. Bakit ba hindi pa rin sila masaya sa kung ano ang narating ko sa buhay ko? I bring home the bread. And the butter. Pero pati buhay ko? Pati pagkatao ko?
Nawawalan na naman ako ng sense tumira dito sa bahay. Hindi na sila nakuntento. Ang hirap naman. Ang dami mo ng nagawa. Ang dami mo ng binigay. Pero bakit hindi ka pa rin matanggap?
Pakiramdam ko tuloy, mas pagod pa ako ngayon sa bahay kesa sa trabaho at puyat. Kung pwede lang iwanan ang pamilya. Kung kaya ko lang silang itakwil.
Matagal ko na sigurong nagawa. Sa sobrang tagal.
Iniisip ko na lang. Yung iba nga lumaking walang pamilya. Yung iba nga lumaking walang magulang. Itinaguyod ang sarili mag-isa habang nangungulila sa kalinga ng mga magulang. Pakonsuelo sa akin. Ito lang yung maipagmamalaki ko. Kasi meron akong kinalakihang magulang. Pero kung ganito naman ang mangyayari? Ibinigay mo na nga ang lahat sila pa itong hindi makaunawa sayo.
Sabi nila, sa huli, pamilya mo lang din ang matatakbuhan mo. Pero paano ka nakakasiguro kung alam mo na sa simula’t sapul, sila na mismo ang nangunang magsabi na tatalikuran ka nila? Anong garantiya mo na malalapitan mo sila sa oras na gipit na gipit ka na?
Ang hirap no? Minsan parang wala rin akong pagkakaiba sa taong ulila. Sarili ko lang din kasi ang maaasahan ko.
Sana dalawin na ako ng antok. Gusto ko na lang itulog to. Kahit alam ko, bukas makalawa, wala namang magbabago.
Tadhana live version last chorus.
Ba’t ‘di salubungin
Ang puso ko at kunin
Ang diwang malaya;
Huwag na huwag magpabaya pa
Ikaw ang pag-ibig
Pakinggan ang himig ko
Wala na sanang lalayo, mundong ito ay hihinto…
May 17, 2013.
You are one big frustration that hit my life.
Alam mo yun? Naiinis ako sa sarili ko kasi katabi na kita pero nauna pa rin ang panghihina ng loob ko upang kausapin ka.
Alam ko. Pinalampas ko ang maaring nag-iisang pagkakataon upang makilala kita. Alam ko ang mga nakita ko. Wala akong pag-aalangan sa mga nararamdaman ko nang mga oras na yun. At hindi ako magkakamali na ako talaga yon.
Hindi ako gwapo. Pero alam naman natin na ikaw ay may maipagmamalaki. Yung tipong kayang sumabay sa nakararami. Ako naman yung tipong hindi makikipagsabayan. Pero bakit nararamdaman ko na iba yung dating mo sa akin? At mukhang iba rin yung dating ko sa’yo. Hindi ako maaring magkamali. Nahalata ko yon.
Akala ko noong una, nobyo mo yung kasama mo. Hindi na ako nagtataka dahil sa itsura mo. Mali ako sa isang banda. Kaibigan mo lang pala siya. Pero hindi pa rin mawala ang pagdududa ko na may relasyon ka. Maaring kausap mo sa telepono mo.
Nagulat ako noong nakita ko sa aninag ko na nakatingin ka sa akin. Tapos tumabi ka. Tinabihan mo ako! Pero baka inaaurahan mo lang ako. Maya’t maya, napapansin kong nakatingin ka. Hindi kita matignan kasi nahihiya ako. Minsan naman ako naman yung titingin sayo. At ang bihirang magkatitigan tayo.
Maya-maya pa ay nakadikit na yung braso mo sa akin. Hindi naman masikip ang mga silya na inuupuan natin ngunit bakit parang magkadikit na tayo? Minsan napapansin kong sabay na tayong tumatawa, pumapalakpak at nagkukumento sa pinapanuod natin.
Alam kong tinitignan mo din ang mga ginagawa ko sa telepono ko. Nagpapanggap lang ako na hindi ko napapansin. Pero sinasadya ko talaga yon. Upang kahit papaano, makagawa ako ng paraan upang magkausap tayo sa mga susunod pang araw pagkatapos nito.
Mga ilang beses din tayong nagkasabay sa may palikuran. Ngunit kahit may pagkakataon na upang magkausap tayo ay parang perehong umuurong ang mga dila natin at hindi tayo makapagsimula ng isang matinong usapan.
Hanggang sa matapos ang palabas. Hanggang ngayon. Pinagsisisihan ko pa rin na hindi kita nakausap. Gustong gusto kong gawin yon pero hindi ko ginawa. Kaya kong gawin pero wala talaga. Nakakainis. Sinubukan kitang hanapin sa labas. Ngunit naging mailap ang panahon upang muli kitang makita at kakausapin na talaga kita. Sana hindi na lang natapos ang gabi.
Pero. Kung pagbibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon. Hindi ko na talaga yon palalampasin pa. Minsan lang may darating sa buhay natin. Sa buhay ko. Ang tanga ko pinakawalan ko pa.
Sana makita mo ito. Or sana makita mo ako sa kahit paanong paraan. Sana hindi ka maging isang ‘got aways’. Wag naman sana.
Floating.
This is what I always feel. Elated. Buoyant. Whatever term I use the feeling is always the same. I feel like I’m lost in space.
I never got the chance to focus on something for a very long time. I always have this some sort of distraction in my head. A head full of thoughts, full of feelings, full of memories. Its so occupied, it can hardly breathe. Its so full, its hardly to see colors in it. As if all the lights in the world are block out of it. There’s only black. Black of nothingness.
Have you ever think how does it feel being whipped in the dark? Like the one you see in films and tv shows? Maybe that’s how it feels. You never know when it will strike. You can’t see it but you can always feel every blow, ripping you inside.
Sometimes, I feel that everything outside my head are just flash motions. Everything my eyes see are just blurr. And everything inside my mind is the true events.
Insane. But it happens.
Some people might think its good to remember everything. Some people might think its a blessing. Sentimentality. Experiences. Scars. Hopes. The irony of life. To remember irrelevance and to forget significance. Tragic. Reality.
Its a curse. To forever remember what’s supposed to be forgotten. Its like eating you alive in every second that it crosses your mind.
How I wish, all this memories will be gone in the most cosmic way the stars know. I wish the aurora will take every single piece of my memory. My name. My identity.
My feelings.
I wish I can live in oblivion. To be alone. Nothing in my head except temporarity of events. They come and go immediately. Just passing by. They don’t stuck your life in a retrospective manner. They dont strike you over and over again as if its your afterlife punishment.
Ignorance…… is bliss.
Sa bawat taong nakikilala natin sa mundong ito, isang tao ang nasa likod kung sino tayo ngayon. Isang tao ang huhubog sa atin. Isang tao ang babago ng takbo ng buhay natin.
Naniniwala ako, na laging may isang tao. Isang tao na may malaking papel sa buhay natin. Na sa kahit anong gagawin natin, kahit matagal ng natuldukan ang pagkatao nila sa buhay natin, hindi na natin maiaalis ang katotohanan na nakamarka na sila sa libro ng mga buhay natin.
Kamusta ka na? Ilang araw na ang nakakalipas mula noong ipinagdiwang mo ang iyong kaarawan. Syempre hindi ko makakalimutan yon. Sampung araw lang ang tanda mo sa akin. Pero hindi natin nagawang magdiwang sa kaarawan mo. Kasi hindi na umabot doon ang samahan natin.
Iilang araw lang mula noong nagkakilala tayo, pero parang ang tagal-tagal na nating magkakilala. Parang ang dami na nating pinagsamahan. Sa maikling panahon. Eto na naman ako, inuulit ang mga kwento nating dalawa. Kung paano ko nakita ang lahat ng bagay sa mga mata ko. Ngunit hindi pa rin ako nagsasawa. Sa sobrang tagal na panahon, parang kwento lang natin yun pinakanaaalala ko sa lahat.
Isa kang tao na, masasabi kong nag-iwan ng malaking puwang sa puso ko. Na sa sobrang laki nahihirapan na itong punan ng mga taong darating sa buhay ko. Nakakalungkot, kasi kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang basehan ko sa lahat. Masaya rin naman, dahil isang ikaw ang dahilan na yun. Minsan hindi ko alam kung sadya ba talagang pinapantay ko lang sa pagkatao mo ang mga taong ito na sadya lang talagang hinahanap ko yung kulang sa kanila. O sadyang kulang lang talaga sila.
Ang laki ng nagawa mo sa buhay ko. Ang dami kong naramdaman sayo. Ang dami kong natutunan sayo. Para bang ikaw na yung buong pagkatao ko. Para bang ginawa mo ako. Kahit minsan ayokong umabot sa puntong gagawin ko ang lahat para lang sumaya ka. Pero ginawa ko. Pero nagkulang pa rin.
At ang papel mo sa buhay ko, kahit saglit lang, ilang pahina ang sinulatan mo at ng maglaon ay pinunit mo. Ngunit ang pagkatao mo, ay mananatili sa mga pinilas na tiwala. At ang lahat ng natutunan ko, mananatiling bahagi ng kabanata mo.
Sa matagal na panahon, pakiramdam ko, may nawawala sa akin. Matagal ko ng hinahanap. Matagal ng bumabagabag. May kulang. Ikaw lang yung nakapagpuna noon. Ang swerte ko dahil ikaw yon. Ikaw yung unang taong dumating sa buhay ko. Buti ikaw yon! Sayang lang at mabilis natapos ang pagkakaibigan natin. Naghangad ako ng mas malayo pa doon. Pero nagawa ko pa rin makuntento sa inabot natin bago naghiwalay ang mgalandas natin.
Patuloy kong dadalhin ang ala-ala mo. Yung Dance revo na pinilit kong aralin para kapag nagkita tayo, masasabayan ko na yung husay mo. Yung isang plato ng gravy sa KFC, kapag oorder ka ng 2 pc chicken. Yung wing part kasi mas malaman yun. Yung Superhuman na kanta mo para sa akin. Sabi mo ikaw yung Superhuman ko. Yung never mong nakalimutang maggoodnight sa akin kapag matutulog ka na. Kasi ayaw mo ng naghihintay ako na magrereply ka. Yung time na dinala mo ako sa P2, kung saan nakarating din ako sa bahay nyo sa Muntinlupa. Yung panahon na nakita kitang sobrang lasing na nagsasayaw ka na ng nakahubad sa bar. Yung hindi mo ako iniwan sa bar kasi ayokong magsayaw sa dance floor at mas pinili ko na lang maupo. Yung pilit mo akong pinagkukwento sa tuwing nakatambay tayong dalawa sa school park. Na gusto mong nakikinig ka sa mga kwento ko kahit wala na akong maikwento. Yung biro mo na nagpakilig sa akin noong tinanong kita kung ano ang pangalan ng boyfriend mo, tapos sinabi mo yung name ko.
At sa bawat tiwala na binigay mo sa bawat kwento ng buhay mo. Na tinapon ko.
Para sayo ang buong pagkatao ko, kung ano ako ngayon, kung sino ako ngayon, kung ano man ang ginagawa ko, para sayo lahat ng ito. Hindi mo man alam ito. Hindi mo man nababasa ito. Gusto ko pa rin ipaalam sa mundo. Sapagkat ikaw ang nag-iisang taong humubog kung sino man ako, na nakakasalamuha ng mga taong nakikilala ko.
Nakakatuwa. Ito lang yung nag-iisang larawan natin na magkasama tayo. At natago ko pa rin siya sa loob ng mahabang panahon.
Maligayang kaarawan!
Umaasa.
Paano kung naghihintay ako ng bus? Dito sa kinatatayuan ko ngayon kung saan huli kitang nakita. Paano kung bigla kitang nakita? Patawid kung saan ako nakatayo. Tapos may taong nakayakap sayo. Hinaharot ka. Mga hanggang dibdib mo ang tangkad niya. Napansin mo ako. Para bang sa kakaibang pakiramdam, ay nag-abot ang ating mga mata. Nagkatitigan. Matalim pa rin ang mga tingin mo. Kagaya noong dati. Noong nakakasabay pa kita sa tren. May wari sa mga titig mo. Parang bigla kang nailang. Umiwas ako ng tingin. Nahihiya pa rin akong tignan ka. Kagaya ng dati. Pero masaya ako dahil sa muling pagkakataon, nakita kita. Ngayon alam ko na na maari pa pala tayo magkita sa kabila ng salungat nating mga oras. Katulad ng dati, kung saan nakahinto ang oras.
Paano kung pagkatawid niyo, dumaan kayo ng mga kasama mo sa may kaliwa ko. Hindi kita makita dahil nakayuko ako pero naaaninag kita. Nakatingin ka pa rin sa akin. Umikot kayo sa may likod ko. Papunta sa may kanan ko. Ramdam ko na parang hindi nawala ang mga tingin mo habang naglalakad kayo. Nagpaalam ang ilan sa mga kasama niyo, iilan na lang kayong naiwan sa may hintayan ng bus kasama ang taong humaharot sayo.
Paano kung naghihintay na rin kayo ng bus? Mga ilang dipa ang layo niyo sa akin. Nakatingin ka pa rin sa akin. Nararamdaman ko sa mga naaninag ng mata ko. Paano kung bigla kong sinubukan kitang tignan? At nalaman kong nakatitig ka pa rin sa akin. Nagtagpo na naman ang mga mata natin! Napatingin ako sa kasama mong maharot. Masaya siya sa ginagawa niya. Walang pakielam sa ibang tao sa paligid niya. Binalik ko ulit ang tingin ko sayo. Bahagya nawalit ang mga mata mo sa akin patungo sa kasama mong nakayakap. Tapos bumalik ulit sa akin. May wari pa rin sa iyong mga mata. May gusto ka bang sabihin? Parang may alangan akong nakikita sa mukha mo. May gusto kang ipahiwatig pero hindi ko malaman kung ano. Wala naman akong nararamdaman. Napapangiti ako. At habang nakikita mong lumalapad ang aking mga labi at lumalabas ang aking mga ngipin, para bang lumalapit ka sa akin gamit ang mga tingin mong seryoso.
Paano kung may gusto ka ngang sabihin? Kung magkakausap tayo. Anong sasabihin mo sa mga oras na ito? Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip mo sa mga oras na ito. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo sa mga nangyayari sayo ngayon. Gusto mo na ba siyang tumigil sa kahaharot sayo? O gusto mong hinaharot ka niya? Ngunit bakit may wari sa mga mata mo? Pareho ba tayo ng iniisip? O may sasabihin kang makakapagpalubag ng loob ko? Gusto mo rin bang malaman ang iniisip ko? Hindi pa rin kita matitigan ng maayos. Kaya bumaling na lang ulit ako ng tingin sa sementadong sahig.
Ngunit hindi nawala ang sayo. Nararamdaman ko na para bang may pagkabigo sa mga mata mo. Sa pagpapahiwatig ng gusto mong iparating.
Paano kung mali nga ang iniisip ko? Matutuwa ako kapag kinausap mo ako. Tapos doon na magsisimula ang lahat. Kasi kinausap mo na ako. Masaya na ako. Kinausap ako ng isang taong, sa unang tingin, seryoso, suplado, at yung tipo ng taong hindi nambabati. Paano kung gusto kita? Magugustuhan mo din kaya ako? Magiging close kaya tayo kapag kinausap mo nga ako?
Paano kung totoo ang lahat ng ito? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Sa tingin mo ba, aasa ako sa ganito?
Let’s have it in our own way.